Gusto ko makita ng mga magulang ko na nililigawan kita. Tiyak matutuwa ang mga iyon, sa akin lalo na sa iyo," hirit niya uli dito.
"Ngayon na agad tayo pupunta ha?"
"Oo, pero magswiming na uli tayo habang hinihintay nating dumating ang mga bangkero," nakangiting sagot niya at agad na hinila patayo ito pabalik sa dagat.
Nagpahila lang si Alana at nakangiting pinagmasdang muli ang mukha niya. Nang makarating sila sa may katam-tamang bahagi ng dagat ay agad niyang sinabuyan ng tubig ito. Patawa-tawang sinabuyan niya ng sinabuyan si Alana.
Tumawa lang ito sa kanya. "Akala mo ikaw lang marunong niya, ha ito malunod ka dito." Sinabuyan din nang sinabuyan siya ng tubig nito.