ako nang unang makilala mo," sagot naman agad ng mommy niya. "Pero hindi naman ganito kaganda, masyadong maganda ito eh."
          "Hindi naman po," nasabi na lang nito sa mommy niya.
          "Anong hindi, magandang-maganda ka iha," muling sabi ng mommy niya. "At bagay na bagay kayong magkatabi ng anak namin."
          "Saan ba kayo nagkakilala nitong si Alana, Henry?" tanong ng daddy niya habang nakatingin sa kanya.
          Nagkatinginan sandali sina Henry at Alana. Tumawa siya nang bahagya, nag-aalangan siya kung sasabihin ba niya kung papano niya ito sasabihin. Nagpasya siyang umpisahan sa bangko at hindi sa beach resort. "Una kong nakita si Alana, ma, dad, at lumipas pa ang ilang araw bago niya ako nakita."